heart over mind
nagusap nanaman kanina ni jenna. may sinabi kasi siya kahapon na
balang araw babawi daw siya sa akin. for the meantime enjoy muna niya
ang buhay single. gusto nya gumawa ng mga kalokohan. sabi niya mahal
nya ako pero hindi pa raw kame pwede makipagbalikan. hindi ko talaga
maintindihan kung bakit...
kanina nung nasa kwarto ko kame, tinanong ko siya kanina kung anong klaseng kalokohan ang gusto niya gawin. sagot nya gusto nya daw itry ung magkaroon ng relationship na hindi seryoso puro daw kasi seryoso mga nagiging relationships nya. bumababa tingin ko sa kanya dahil dun sa sinabi niyang yun. pero ang nakakainis hindi ko magawang gumive up sa kanya ewan ko ba.. ganun ko lang tlaga siguro siya kamahal. stupid ain't it?
kinagabihan sa text, sabi ko sa kanya gusto ko ng makipagbalikan sa kanya. tumanggi ulit siya. again, sabi niya hindi pa daw siya handa magcommit. sinabi nya na sa akin na kaya nya daw ginagawa ang mga ginagawa niya ngayon e para makalimutan mga problema niya sa buhay. tlagang problemadong tao si jenna. naaawa na nga ako sa kanya e. napaisip ako, "hindi ba ako sapat para makalimutan mo mga problema mo?" pero hindi ko nasabi sa kanya. what's the point of asking her eh obvious na naman ang sagot.
sabi ng mga kaibigan ko, layuan ko na daw siya. tama sila, kailangan ko na talagang tigilan ang paghahabol ko sa kanya. pero sabi niya mahal nya ako e.... mahal ko din siya.. kaya i figure, maybe i really have to wait. malay natin balang araw, maayos din lahat.... i hope.

